Econyomics
7:29 PMKanina sa Natsci 1.
Binuksan nya ang pinto, pumasok sa room at agad umupo sa unang bakanteng upuan na nakita nya. (Dapat lang, almost twenty minutes na syang late, e.) Yon din yung upuan na inupuan nya last meeting, yung dulong chair sa harap. Katabi ng akin.
Oo, sya yung kinekwento ko na seatmate kong kamukha ni Chris Richardson ko. (AI Season 6)
“Excuse me…” sabi nya. “Ano na’ng ginawa?”
“Sinulat lang nya yung schedule ng exams tas nag monologue na si Sir.” Sagot ko. (Totoo naman e.)
Tumawa sya at nilabas ang notebook nya. “Pwede pa-kopya?” At dahil madali akong kausap, binigay ko naman ang notebook ko. “Thanks.” Sabi nya. “I’m Francis. Pol Sci.”
“Nic. Econ.” Sagot ko.
“O? Hindi halata.” Sabi nya habang sinisimulang kopyahin ang notes ko.
Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang sya habang nagsusulat sya. ‘Hindi halata’? Is that supposed to be a compliment? In the first place, ano ba ang ibig nyang sabihin sa ‘hindi halata’? Baket, ano ba ang itsura ng halatang econ?
Napansin siguro nya na hindi ako sumagot dahil tumigil syang kumopya ng notes at tinignan nya ako ulit.
“I mean, hindi ka kasi conyo.” Tuloy nya.
Napataas nalang ang kilay ko. Fuck, Francis, pasalamat ka kamukha mo yung crush ko.
Binalik ko nalang ang mga mata ko kay Sir Abastillas na nagmomonologue pa rin, humahagikgik sa sarili nyang jokes. Pero sa tenga ko, parang naririnig ko pa rin yung sinabi ni Francis. ‘Hindi ka kasi conyo.’
At sa di malamang kadahilanan, unti-unting nabuo ang mukha ni Jerome Venzon Caylao sa isip ko.