Thomas,

12:39 AM

Naiyak ako kanina.

Nung tinanong ni Boss kung bakit, sabi ko hindi ko alam. Baka mood swing, first day ko kase ngayon. Mukhang nakumbinsi ko naman siya dahil hindi na nasundan ang tanong niya. Pero sa totoo lang, alam ko naman na isa ka sa mga dahilan kung bakit ako naiiyak.

Dumaan ako sa tambayan nyo kanina. Uuwi na dapat ako pero sabi ko sa sarili ko hihintayin ko nalang si Boss sa tambayan namin.

Sarili ko lang naman ang niloloko ko e. Bumalik ako sa AS para sayo.

Nandon ka sa tambayan nyo, pero si Joseph ang kinausap ko. Ayaw kitang kausapin, ni ayaw kitang tignan. Pero syempre, pwede ba naman yon, e ikaw nga ang pinunta ko don. Napigilan ko ang sarili ko na kausapin ka, pero hindi ko napigilang tignan ka. Isang segundo lang, tinignan kita.

At wala akong nagawa kundi ipikit ang mata ko at humarap ulit kay Joseph nung nakita kong nakatingin ka din sakin. Blanko.

Bakit ba kasi nung kasama kita lagi kitang inaaway. Ngayong hindi na tayo magkasama, gusto naman kitang lapitan. Ang gulo ko rin e.

Nagpaalam ako kay Joseph at bumalik ako sa tambayan namin. Sakto, saglit lang dumating na si Boss. Sa totoo lang gusto kong mag-attend ng Genmeet, pero pinilit ko siya na umuwi na kami sa kanila. Wrong idea na bumalik sa AS para makita ka, nadepress lang ako dahil hindi tayo nag-uusap at kasalanan ko kung bakit. Baka maiyak na talaga ako pag nakita pa kita ngayong araw na to at hindi na naman tayo nag-usap.

Akala siguro ni Boss excited akong gumawa ng Aslag kaya pumayag siya. Hinila ko siya agad palabas ng AS para hindi na kita makita, pero nung nasa gitna na kami ng walkway naalala ko na naiwan ko sa tambayan namin ang payong ko. Syempre binalikan namin.

At sakto namang nung lalabas na kami ulit ng AS, papasok ka naman.

At sakto naman sinakop ng Psych Soc at Pugad Sayk people ang daan.

At sakto naman nagkasalubong pa tayo.

Diretso lang ang tingin ko kahit nung nagkabanggaan na tayo. Kunwari ako parin yung Nic na kasama mo noon, at kunwari ikaw parin yung Baylis na kasama ko noon. Kunwari wala paring nagbago, except na meron na nga.

At parang pinaparamdam talaga sakin ng taas na ako naman ang may kasalanan dito dahil kailangan talaga ang kantang tumugtog sa playlist ko ay Just Go. There's nothing inside me that still feels connected to you, to me you're already gone.

Sinabi ko kay Mike na umalis na kami para hindi na kita makita at para hindi na ako maiyak.

Pero nakasalubong pa rin naman kita.

At pagdating sa 34G, umiyak pa rin naman ako.

You Might Also Like