ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi

11:33 PM


Isang araw maiintindihan mo kung ano ba talaga ang nangyari at bakit kailangan yon mangyari. At kung di man dumating ang araw na yon, makakarating ka sa lugar kung saan hindi mo na kailangan magtanong ng paulit ulit at matatanggap mo na na hindi lahat ng bagay sa mundo ay may sagot o kailangan ng sagot. 

Hindi ka na magagalit, masasaktan o malulungkot. Hindi mo na maaalala ang mga bagay na hanggang ngayon nagpapaiyak sayo. Mararamdaman mo nalang yung init na ang tagal tagal mong hinanap. Makakapagtiwala ka ulit - maniniwala ka ulit. 

-

Love alam ko mababasa mo to. I love you.  

You Might Also Like