Monday, April 20, 2009

Falling Slowly

Nawawala ang muse ko. Sabi ng Encarta yun yung source of inspiration ng mga artists. Pag walang muse, walang inspiration. Pag walang inspiration, walang masulat. Well, hindi naman exactly wala, pwedeng ipagpilitang magsulat, pero pangit ang result. Parang tong entry na to. Ni hindi nga ako makapag-english ng maayos kaya mixed to.

Sa totoo lang alam ko namang wala akong matinong masusulat dahil nga nawawala ang muse ko, pero nagrereklamo ang friends ko na hindi na daw ako nag-uupdate ng blog kaya eto, pinagpilitan ko talagang mag-update. Bear with me.

“And games that never amount
To more than they’re meant
Will play themselves out”


Gusto ko syang tinitignan pag hindi siya nakatingin. Either pag nag-aaral sya or pag tulog siya or pag nag-aaral sya tapos magpapahinga sya at pipikit sya saglit. Haha, mas maganda ang pagkakasabi dun sa Read Between the Lines, yung ‘glances at you from lowered lashes when you’re not looking’.

Syempre freaky naman kung alam niyang tinitignan ko sya, kaya pag nakita kong inalis na niya yung mata niya sa book or gumising na sya, titingin na ako sa kahit ano pang pwedeng tignan. Tahimik lang sya, tapos mag-aaral na naman sya or matutulog sya ulit.

Parang taguan lang.

“Falling slowly, eyes that know me
And I can’t go back”


It gives me the feeling that I have the better of him, in the sense na may alam akong hindi niya alam. Haha, ako alam ko kung kelan niya ako tinitignan. Sya hindi nya alam kung kelan ko siya tinitignan.

Alam ko na nakatingin sya sakin habang iniisip ko kung anong card ang ibababa ko pag naglalaro kami ng pusoy. Alam ko na tinitignan nya ako pag nagsusulat ako, na hinihintay lang niyang ibalik ko yung takip ng pen ko bago nya kunin yung papel at basahin yung sinulat ko. Alam ko na pinanonood nya ako pag kumakain ako ng chocolate, kase na-aamaze sya na I lick off the melted cocoa off my fingers.

At the same time, it gives me the feeling that he has the better of me.

Hindi ko na mapigilang tignan sya e.

“You have suffered enough
And warred with yourself
It’s time that you won”

Pinakagusto ko pag pinapanood ko siyang matulog. Pag gising kase sya parang lagi syang busy, laging may acads, laging may kailangang gawin. Pero pag tulog sya, nag-iiba. Ang peaceful nyang tignan.

Gusto ko pag nakapikit sya kase natitignan ko sya the way I want to, without having to worry about him knowing that I’m looking. Kaya ngayong katabi ko sya sa sasakyan at natutulog siya, I’ve decided na mamaya nalang ako matutulog pagdating sa bahay kahit inaantok na rin ako. Panonoorin ko nalang muna sya.

The skies are orange this afternoon. Naaalala ko yung sinabi nya dati. Gusto daw niya pag orange yung langit kase may something hopeful about it. Syempre lagi akong detractor, sabi ko di ba blue ang color na nag-sisymbolize sa hope? Sabi nya basta.

Dumilat ang mga mata nya, dahan-dahan. Hindi na ako nakagalaw. Kung may isang bagay na mas masarap panoorin kesa sa pagtulog nya, yon ang pag-gising nya.

Nginitian lang nya ako.

“Pinapanood moko, no?”

May something hopeful nga yata pag orange ang langit.

“Take this singking boat and point it home
We’ve still got time
Raise your hopeful voice, you had the choice
You’ve made it now
Falling slowly, sing your melody
I’ll sing along”

Haha, sabi ko sa inyo tae to e.

Disclaimer: I do not own the song Falling Slowly and no copyright infringement is intended. ^_^ Don’t sue, it’s bad.
 

Ekvilibriumm | Creative Commons Attribution- Noncommercial License | Dandy Dandilion Designed by Simply Fabulous Blogger Templates