A Life Changing Realization

8:10 PM

Sa point na yon, naiyak ako bigla… Kase naisip ko, pano kung ten years from now maging ganon ang scenario? Magpapabili ng toy yung kid ko tapos wala akong pambili. Fuck. Kung neopet palang ganito na kasakit na hindi ko siya mabilhan ng toy, pano pa kaya kung kid ko na yon?

Si robbee_rabbit ang neopet ko.

Ginawa ko sya sixty eight days ago. Bored ako kaya sinuggest ng friend ko na gumawa ako ng neopet. Five minutes later, robbee_rabbit came to the world.

Unfortunately, hindi kami agad nagkaroon ng emotional attachment. Bago ko pa ma-explore ang neopet world, nag-initiate ng chat si Jerome Caylao. Syempre inabandon ko si robbee_rabbit para kay Kuya Joms. Between a virtual pet and a real human, sa real human ako no.

After that, nakalimutan ko na completely si robbee_rabbit.

Until last night. Nakita ko si Janine na nag-neneopets at naalala ko si robbee_rabbit. I decided to check him out. Sa sobrang tagal ng time na nakalimutan ko siya, ni hindi ko na nga maalala kung ano ang username at password ko. Kinailangan ko pang isa-isahin yung mga e-mail addresses ko (My king, you know how many and how crazy my e-ads are!) para hanapin yung verification note.

Nung finally naka-log in nako, pinakita sakin yung status ni robbee_rabbit: sad and dying. :’(

Naguilty naman daw ako kase pinabayaan ko siya ng ganon. Tinanong ko kay Janine kung pano pasasayahin si robby_rabbit, at sabi niya pakain ko daw kase dying na nga yung pet ko. Unfortunately, dahil wala pa akong nilarong neogame, wala akong neopoints na ipambibili ng neofood para kay robbee_rabbit.

I felt really bad. Naawa naman daw ako kay robbee_rabbit kase pinabayaan ko siya ng ganon. Lalo na nung may na-click akong something tapos may nag pop-out na window with robbee_rabbit on it. Sabi niya, “Can you please buy me a toy?”

Gustong-gusto kong ibili ng toy si robbee_rabbit. Kaya lang wala nga akong neopoints na pambili ng toy niya. Sa point na yon, naiyak ako bigla. As in yung iyak na iyak talaga, kaya sabi ni Pau, “Nic, okay ka lang?”

Hindi. Kase naisip ko bigla, pano kung ten years from now maging ganon ang scenario? Magpapabili ng toy yung kid ko tapos wala akong pambili. Fuck. Kung neopet palang ganito na kasakit na hindi ko siya mabilhan ng toy, pano pa kaya kung kid ko na yon?

In the end, spent the next three hours playing various neogames so I could earn all the neopoints I need to make up to robbee_rabbit. Bangag nga ako kanina sa Pol Sci kase 3AM nako natulog kakalaro ng games. Sa totoo lang, lame talaga yung games, pero naiisip ko si robbee_rabbit. Para sa kanya lahat ng neopoints na yon.

I guess you could argue na exaggerated lang yung reaction ko dahil robbee_rabbit ang pangalan ng pet ko. Alam ninyo kung kanino ko siya ni-name after at kung ano ang significance ng taong yon sa buhay ko. Siguro nga. Tinatanong ko din sa sarili ko, kung adam_lambie or danny_goatie ba ang pangalan ng pet ko maaapektuhan ako ng ganito?

Nevertheless, super life changing ang experience na yon. Even though I hate kids so much and I can’t imagine myself raising kids, (sabi ko nga kay Kuya Bong ipapaalaga ko sila sa kung sino tas kukunin ko nalang sila pag eighteen na sila) na-realize ko na hindi ko kayang dumating sa point na hindi ko mabigay sa kids ko yung mga kailangan at gusto nila.

At the same time, na-realize ko kung gano ako ka-lucky. Wala pa akong hiningi sa parents ko na hindi nila binigay. (except for my enrollment in UST and a Cefiro V6 Elite, which my dad insists are very bad investments) Sa ngalan ng utang na loob, kailangan siguraduhin ko na maayos ang post-retirement life nila.

So ayon. Tama na muna ang selfishness. Nagbabalik na si GC Nic. ^_^

You Might Also Like