Wednesday, July 1, 2009

Forever in the UP AGUMAN I Will Belong

Sa mga ganitong oras nagpapasalamat ako na naging member ako ng pinaka the best na org sa buong mundo. ^_^

***

Minsan hindi ako makapaniwala kung gano kabilis ang panahon. Parang nung isang araw lang kami yung pinag-aacquaintance. Ngayon batch mate ko na ang IVP at sya na ang head sa pagpeprepare ng event.

“Trish, dito ka saglit.” Sabi ko sa kanya nung finally nakita ko syang walang ginagawa. Pumunta kami sa isang sulok ng room, tas niyakap ko siya ng mahigpit.

“I’m so proud of you. I’m so proud of everything you’ve done. I’m so proud that you’re my batch mate.”

And really, I was.

Niyakap din niya ako, tas nakita ko naiiyak na siya. “Thanks Nic. Thanks talaga. I love you batch mate.” ^_^

***

Pag may alumni na dumarating sa events ng org, I feel so proud. Parang, ang sarap ng feeling na maging part ng something na nandito na bago pa ako ipanganak, at ang sarap ng feeling na alam kong tinutuloy ko ang legacy nila.

Ang sarap ng feeling na alam mong you’re part of something that will live on.

***

Nakita ko siyang mag-isa dun sa may window. Dala-dala yung giant teddy bear ni Budd, nilapitan ko siya.

“Kuya, hindi na kita nakikitang hindi naka-ear phones.” Sabi ko.

Tumawa siya.

Ngumiti ako tas bumalik nako sa seat ko. Nasabi ko na ang gusto ko, at sana naiintindihan nya. Alam ko na maiintindihan nya. ^_^

***

Pinapanood ko siya habang pinakikinggan ka niyang magsalita. Sayo lang siya nakatingin at ikaw lang ang pinakikinggan nya. Naka-smile sya, obvious na masaya sya.

At kahit wala ka pang masyadong napapatunayan, alam ko na proud sya sayo.

Ako din. ^_^

***

“Boss, congrats!” sabi ko. Tinaas nya ang kamay niya at nag-high five kami.

Dati naiisip ko kahit kailan hindi ako magiging full member ng kahit anong ibang committee; para sakin educ pa rin ako. Haha, first love never dies ang drama. Para sakin, educ kase ang dahilan kung bakit ako nasa org na to.

Pero everytime nakikita ko kung gano ka-dedicated ang head namin sa bagong committee ko, nag-iiba ang isip ko. After all, a first love is special, but oftentimes something comes along that you learn to love more.

Kahit wala na ako sa educ, hindi ko tinalikuran ang dahilan kung bakit ako nasa org na to.

Nagkaroon lang ng isa pang dahilan kung bakit ako nandito.

Ako ay proudly Rec and Pub.

***
Ako po si Nic, Baskal 07-A. FOREVER in the UP AGUMAN I will belong. ^_^
 

Ekvilibriumm | Creative Commons Attribution- Noncommercial License | Dandy Dandilion Designed by Simply Fabulous Blogger Templates